Just DANCE! | #KrizzyForJonel

This week one of my friend sent me a message via FB!

She said she remembered our First Dance as a couple during our wedding reception when she saw the Just Dance Video Game.(Sana di nya naalala ang katigasan ng katawan ko at yung kanta lang talaga!).

I watched our dance clip again and thought of making an entry to our journal.

Shout out to my sister for being patient with us and modifying the steps (lalo na’t parehong kaliwa ang paa ko). Buti na lang at di na namin kinailangang kumuha ng choreographer.

Tips on How to ace your First Dance as a couple the #KrizzyForJonel approach.

  1. Huminga ng malalim at manalangin na hindi kayo magkakalat.
  2. Kapag kinabahan ka pa rin, ilabas ang ka-bungisngisan. Tiyak na makakabawas ito ng kaba at tunay na epektibo.
  3. Sabihan ang host na palakpakin ng malakas ang mga tao sa umpisa ng inyong sayaw para hindi mo na madinig ang kabog ng dibdib!
  4. Tingnan sa mata ang iyong kabiyak dahil masayang masaya kayo at nagmamahalan! Pero kasama na rin na makakatulong ito sa lakas ng pakiramdam kung ano na ang susunod na step.
  5. Kapag nagkamali sa gitna ng sayaw, ilabas ulit ang ka-bungisngisan at ituloy lamang ang sayaw. Isipin mo na lang na nag improvise ka talaga dahil creative ka! (Ang mantra mo dapat ay ka-peg mo ang G-Force kahit ang layo talaga!)
  6. Nakatulong din ang mga pa hawak hawak sa kamay ng iyong kabiyak. Nakakalma na kahit kaliwa ang paa mo, pinakasalan ka niya. Hehe
  7. Sabihan ang iyong kapatid na maunang pumalakpak. May domino effect kasi ito at nakakadagdag sa audience impact.
  8. Subukan mong icapture ang view ng audience kahit saglit. (Para icheck din kung wala pang magbabato ng kamatis!) Nakakatuwa ding makita na nakangiti sila. Siguro dahil nahawa na sa kabungisngisan mo.
  9. Wag kalimutan ang pasabog confetti sa dulo dahil kundi man sila nasayahan, magugulat naman sila!
  10. I-enjoy ang sayaw! Itodo mo na! Ito ang simula ng inyong pagsasama habang buhay. Kayong dalawa! Paalala din na matutong sumayaw sa buhay – mag asawa! Wag kalimutang ang matamis na halik sa dulo!

Hope you learned something while reading this. And as a treat *drum roll*

ITO NA ANG MAKABAGBAG-DAMDAMIN NAMING SAYAW! BWAHAHA 😂

Love,
💛J & K💛

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s